Jonvic kinampihan si Ping, kinuwestyon si Leni

INJUSTICE“.

Ganito inilarawan ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang naging tugon ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo nang ilarawan nito ang kalaban na si Senador Panfilo Lacson bilang “all talk and no action”.

“Hindi ko na sana balak makipag-balitaktakan pa pagdating sa #Halalan2022. Ngunit bilang kamag-anak, kalalawigan at kapwa Imuseño / Caviteño ay nararapat lamang na tumayo ako at ipagtanggol si Senador Ping Lacson,” pahayag ni Remulla na ipinost niya sa Facebook bilang pagtatanggol sa kapwa Caviteño na si Lacson.

“Kung may kandidato man na siyang pinakamalawak ang karanasan bilang isang tunay na serbisyo publiko, walang iba kundi si Sen. Ping yon,” dagdag pa ni Jonvic.

Inisa-isa ni Remulla ang naging kontribusyon at malawak na karanasan ng senador sa public service.