Trina Candaza lumipat ng bahay nang di kasama si Carlo Aquino

IPINAGMALAKI ni Trina Candaza, girlfriend ng aktor na si Carlo Aquino, na lumipat na siya ng bahay kasama ang kanilang babay na si Mithi.

Ito ay sa kabila ng espekulasyon na nagkakalabuan ang dalawa.

Chika niya, lumipat sila ng bahay na malapit sa school ni Mithi.

“Obviously we moved to a new home. Bago na yung tinitirahan namin. Dito ko pinili kasi if ever na mag face-to-face, at least malapit na ako sa school and mabilis ako makakauwi kay Mithi,” sinabi niya vlog niya.

Hindi naman niya nabanggit ang partner na si Carlo.

Aniya, gumawa siya ng vlog para ipakita sa followers ang mga bagong biling gamit para sa kanyang bahay.

“This vlog is about budol. Gusto ko ipakita sa inyo yung mga purchases ko kasi sa pag-move out and pag-move in namin dito, bumili rin ako ng mga gamit sa house. Marami din akong na-discover na products. Gusto ko i-share sa inyo yung mga good buys ko.”

Matatandaang noong nakaraang linggo ay may cryptic post ito tungkol sa pakikipagkita ng partner sa ibang babae.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya,” chika niya.

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan magbabago,” dagdag pa niya.