No vaccine, no ride’ policy lifted na sa Peb. 1

SINABI ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na maaari nang makasakay ang lahat sa mga pampublikong sasakyan sa simula ng implementasyon ng Alert Level 2 sa Martes, Pebrero 1.

Idinagdag ni Libiran na suspendido na ang “no vaccine, no ride” policy.

Idinagdag ni Libiran na tuwing Alert Level 3 lamang ang polisiya.

“Once we de-escalate to Alert Level 2, the policy shall automatically be lifted,” aniya.

Epektibo an Alert Level 2 sa Metro Manila hanggang Pebrero 15. 2022.