Joaquin Domagoso umepal, kinuyog ng Kakampinks

KINASTIGO ng netizens si Joaquin Domagoso, anak ni Manila Mayor Isko Moreno, matapos tawaging matapobre ang Leni-Kiko tandem.

Usap-usapan ng netizens ang Instagram post ni Joaquin na ibinahagi ang poster ng event ng Leni-Kiko sa Tondo at nilagyan niya ng caption na “Porket taga-Tondo sila, laylayan agad? Bago na itsura ng Tondo.

#Matapobre.”

Hindi naman pinaglagpas ng netizens ang banat ni Joaquin at nadamay pa ang pag-arte nito sa mga teleserye.

“RIP reading comprehension. Manang mana ka sa ama mo. Hays. Right decision talaga ang ginawa naming pamilya. #fromIskoToLeni.””Sana magaling syang umacting para di sya matulad sa mga artistang kumakandidato pag wala nang projects.”

“Kayo ng tatay mo yung nasa laylayan, laylayan ng survey.””Daming hanash ni akla, ’di na lang mag-workshop para naman gumaling acting niya sa first lady.”