Trans man, trans woman ikinasal

IKINASAL sa Davao City ang magkasintahang Ronnie Cortez, isang trans woman, at ang kanyang partner na si Jiemelyn, isang trans man.

Ayon sa ulat, apat na taon nang magkarelasyon ang dalawa at nagdesisyon silang mag-isang dibdib para may basbas na ng Diyos ang kanilang pagsasama.

Ginanap ang kasal sa Antonio de Padua Parish alas-3 nitong Sabado.Makikita sa mga larawan na naka-gown si Jiemelyn habang naka-suit si Ronnie.Pero sa prenuptial shoot, si Jiemelyn ang naka-suit at si Ronnie ang naka-gown.