Pundar

Sariling pangarap para sa pamilya
Sapat na bakuran utang ang halaga
Pantayo ng bahay kapiling asawa,
Anak na marikit kamukha ng ina.
Asang matutupad paglagpas-eleksyon
Subalit may biglang sa hotel nag-presscon
Kulelat sa sarbey na presidensyabol
Milagro ang balak araw resureksyon.
Urirat ng midya sila ay dinumog.
Di napanindigan kanilang pasabog,
Mga katuwiran sadyang binaluktot,
Nangantyaw ang tao, "wala kayong itlog!"
Isa sa kanila nagbitaw ng banta
"Baka may manggulo alyansang kaliwa
At grupong kakampink may ipapakana!"
Pero laging trapo sa pundar panira.