Doc Ong nilaglag? Isko iginiit Isko-Ong pa rin

NANINDIGAN si Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno na hindi niya inilalaglag ang kanyang running mate na si Doc Willie Ong.

Ito ay sakabila ng kaliwa’t kanang tarpaulin at posters na nagkalat sa Maguindanao nang bumisita si Moreno rito at mangampanya nitong Linggo, at ang hindi pagdalo ni Ong sa nasabing political sortie.

Sa mga nagkalat na tarpaulin at poster, hindi si Ong ang kasama ni Moreno sa mga campaign poster kundi si Davao City Mayor Sara Duterte at running mate naman ng frontrunner na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Matapos nito ay naglabas ng saloobin si Ong at sinabi na na-hurt siya sa pangyayari. Gayunman hindi siya nagtatanim ng sama ng loob.

Bunsod nito ay naghayag si Moreno na si Ong pa rin ang kanyang vice presidential bet.

“Both of us uphill ang battle namin but no matter what Isko-Doc Willie ako,” giit ni Moreno sa text message nito sa ABS-CBN News in a text message.