Maymay kakasuhan vlogger, spreader ng fake news

NAGBANTA ng demanda si Maymay Entrata sa isang blogger na sinabing nag-iilusyon lang ang Kapamilya star nang ianunsyo nitong mayroon siyang boyfriend na foreigner.

Sa Twitter, binalaan ni Maymay ang nasa likod ng YouTube channel na The Cardoding Show na sinabing peke ang ini-reveal niya na boyfriend.

“Kapag di nyo po buburahin at patuloy nyo pong pag s-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag nyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po,” ani Maymay.

Matatandaan na ilang araw na ang nakararaan nang i-flex ni Maymay sa Instagram ang Canadian boyfriend niyang si Aaron Haskell.

‘Happy Birthday my Valentino,” caption ni Maymay sa post kung saan ibinahagi niya ang picture nila ni Aaron na magkayakap.