Digong inendorso na nga ba si Bongbong?

PALAISIPAN sa marami kung inendorso na ni Pangulong Duterte si presidential bet Bongbong Marcos matapos banggitin nito ang ‘Ilocanong leader’ sa kanyang talumpati sa Narvacan, Ilocos Sur kahapon.

“Isang buwan aalis na ako sa Malacañang, mamili na kung sinong Ilocanong leader ang ilagay niyo doon (sa Malacanang),” sabi ni Duterte.

Hindi naman binanggit ni Duterte ang pangalan ni Marcos, bagamat kilala siyang Ilocano.

“In my Cabinet, tatlo or apat na lang cabinet na Bisaya ang naiwan, puro Ilocano na ang iba. Kaya ibigay ko na lang ito…,” ayon kay Duterte.