Belmonte inendorso VP candidacy ni Sotto

INENDORSO ng lokal na partido ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kandidatura sa pagkapangalawang pangulon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Belmonte, lider ng lokal na partidong Serbisyon para sa Bayan, 122 miyembro nito ang pumili kay Sotto na siyang susuportahan ng grupo sa darating na halalan.

Nakuha ni Sotto ang boto ng grupo dahil umano sa matagal na experience nito sa public service.

“Si Senator Tito Sotto ang napili ng Serbisyo sa Bayan party na i-endorso bilang susunod na bise presidente ng Pilipinas,” ani Belmonte sa isang campaign event sa Quezon City Circle.

Hindi naman pa nakapagdedesisyon ang grupo kung sino ang susuportahan nila sa pagkapangulo.

“When it came to discussing presidents, our members have not yet agreed on a certain [presidential] candidate. I am not an authoritarian leader. I like to consult with members so it’s still possible that the party might later endorse a president. But as of this time, we have not reached an agreement,” pahayag pa ni Belmonte.