Anak ni Imee muling sasabak sa Ilocos Norte gubernatorial race

HIHIRIT ng reelection ang anak ni Senador Imee Marcos na si Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc sa darating na halalan.

Naghain ng kanayng certificate of candidacy (COC) si Manotoc sa Comelec office sa Laoag City kasama ang kanyang runningmate sa pagka vice governor na si Cecilia Araneta Marcos na isa ring reelectionist.

“These past two years have been two of the most challenging years in the history of Ilocos Norte, in the history of the Philippines. Naniniwala po ako na natuto naman tayo,” ayon kay Manotoc matapos maghain ng kanyang COC.

Bago naging gobernador, naging miyembro muna ng Sangguniang Panlalawigan si Manotoc noong 2016 hanggang 2019.