Noli de Castro lumayas na ng ABS-CBN, tatakbong senador

NAGPAALAM na si veteran broadcast journalist na si Noli De Castro sa kanyang show sa ABS-CBN na TeleRadyo Huwebes ng umaga.

“Ito ang huling araw ko sa Teleradyo,” ayon kay De Castro sa kanyang programa, ilang oras bago siya pormal na tanggapin bilang bagong miyembro ng Aksyon Demokratiko Party ni presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno.

Ito rin ang hudyat na balik-pulitika siya matapos ang 11 taon na pamamahinga, at nagdeklarang tatakbong senador sa darating na halalan.

Ito ang pangalawang pagkakataon ni De Castro na tumakbo sa pagka-senador.

Nanguna si De Castro sa senatorial race noong 2001, ngunit hindi natapos ang kanyang anim na taong termino matapos siyang kumandidato at manalo sa 2004 elections bilang pangalang pangulo.