3 patay, 1 sugatan sa shooting incident sa Maguindanao

TATLO ang nasawi at isa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ang mga ito sa harap ng Datu Luminog Pilot Elementary School, sa bayan ng Buluan, Maguindanao alas-7:40 ng umaga kanina.


Ang mga nasawi ay nakilalang sina Misuary Dimapalao, Sajid Kamama, at Tata Bulilo. Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang isa pang biktima na si Jadid Ulangkaya.


Ayon sa inisyal na ulat, sakat ang mga biktima ng barangay patrol car sa harap ng eskwelahan, nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek, gamit ang M16 rifle.