18 mayor ng Bulacan inendorso Bongbong-Sara tandem

INENDORSO ng 18 alkalde ng Bulacan ang tambalan nina dating Senador Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

May 24 mayors ang lalawigan ng Bulacan, ang ikalimang vote-rich province sa bansa.

Ang mga naghayag ng kanilang suporta sa tambalang Marcos-Duterte ay sina:

Ambrosio Cruz, ng Guiguinto
Carla Galvez-Tan ng San Ildefonso
Arthur Robes ng City of San Jose del Monte
Eladio Gonzales Jr. ng Balagtas
Ferdinand Estrella ng Baliwag
Jose Santiago Jr. ng Bocaue
Vergel Meneses ng Bulakan
Francis Juan ng Bustos
Ricarido Silvestre ng Marilao
Mary Ann Marcos ng Paombong
Roderick Tiongson ng San Miguel
Cipriano Violago ng San Rafael
Jessie De Jesus ng Calumpit
Raulito Manlapaz ng Hagonoy
Edwin Santos ng Obando
Anastacia Vistan ng Plaridel
Russel Pleyto ng Sta. Maria
Leonardo De Leon ng Angat

Sa isang manifesto na kanilang nilagdaan, sinabi ng mga alkalde na niniwala sila sa tambalang Marcos-Duterte na silang makapagkakaisa para makabangon muli ang bansa.