Digong naniniwalang mas magaling ang susunod na pangulo

SINABI ni Pangulong Duterte na umaasa siya na mas magaling sa kanya ang susunod na mananalong presidente ng bansa.

“When I think of my country, I hope that the next year, I would wish really. I hope — I hope and I pray that the next administration will be much better than mine on all aspects,” sabi ni Duterte sa mensahe matapos bumisita sa mga sinalanta ng bagyong Agaton sa Capiz.

Matatapos ang termino ni Duterte sa Hunyo 30, 2022.  

“Dinadasal ko ‘yan para sa kababayan, para sa inyo. Pero ako tapos na but I promised you ‘yung droga kaya gusto kong magsalita. Ang droga hintuin ‘yan ninyo. Just like the communists, you drop the drugs or otherwise, I will kill you. Magprangkahan tayo,” ayon pa kay Duterte.

Kasabay nito, muling iginiit Duterte na hindi siya dapat ikumpara kay Russian President Vladimir Putin.    “Kaya ako nagkakaso sa… Si Putin, pinapatay man niya lahat: bata, babae, matanda. Ako, pinapatay ko kriminal lalo p***** i****mga durugista. Hindi ko man talaga ano. Totoo ‘yan,” aniya.