Travel ban pinalawig vs Delta Covid variant

IN-EXTEND ng pamahalaan ang travel ban sa harap ng banta ng mas nakamamatay at nakahahawang Delta variant ng Covid-19.


Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang travel ban na magtatapos sana sa Hunyo 30 ay mananatili hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo.


Bukod sa India, sakop ng travel ban ang Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman.


Hindi naman saklaw ng ban ang pagpapauwi ng pamahalaan sa mga Pinoy mula sa mga nasabing bansa.


Matatandaan na na-detect ang Delta variant sa 17 umuwing overseas Filipino workers bago pa ito naikalat sa publiko.–WC