Bola pinatalbog sa kulungan, puno ng shabu

ANIM na sachet ng shabu ang tumambad sa mga otoridad nang buksan ang bola na inihagis sa bubong ng Davao City Jail nitong weekend.


Sa ulat, sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology sa Davao na nagulat ang mga jailguard nang may kumalabog na malakas sa bubong ng male dormitory Sabado ng gabi nang tingnan ay nakita nila ang bola ng basketball.


Agad namang nagsuspetsa ang mga jailguard kaya sinilip nila ang laman ng bola na pinaikutan ng electrical tape.


Nadiskubre sa loob ng bola ang anim na sachet ng shabu.


Inaalam pa kung sino ang naghagis ng bola at kung para kanino ito.