Singapore kukuha ng 3,000 Pinoy healthcare workers

INIHAYAG ngayong Miyerkules ni Press Secretary Trixie Angeles na kukuha ang Singapore ng karagdagang 3,000 Pinoy healthcare workers

“Nagustuhan ng gobyerno ng Singapore ang kalinga at pag-aalaga ng ating mga healthcare worker lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, kaya naman nais nila na kumuha pa ng mahigit 3,000 Pilipino healthcare worker natin sa pamamagitan ng government-to-government arrangement,” sabi ni Angeles.

Idinagdag ni Angeles na pinirmahan ni Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople at Ministry of Health ng Singapore ang kasunduan para sa pagpapadala ng karagdagang healthcare workers sa mga ospital at para mag-alaga ng mga senior citizens.