Palasyo: Status quo muna sa alert level

SINABI ni Press Secretary Trixie Angeles na mananatili muna ang umiiral na alert level sa bansa habang hindi pa nakakapagsesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na nakatakdang magpulong sa Lunes.

Magtatapos dapat kahapon, Hulyo 15 ang Alert Level 1 sa Metro Manila at maraming lugar sa bansa.

Patuloy naman ang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19).

“The status quo holds for our alert levels, which the IATF will be reviewing on Monday, 18 July,” sabi ni Angeles.