Mas maraming Pinoy nais nang magpabakuna – research

MAS maraming Filipino na ang nais magpabakuna, ayon sa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Hulyo 12 hanggang 18.

Sa “Tugon ng Masa” survey, tinanong nito ang 1,200 respondents mula 18 anyos pataas tungkol sa isyu ng pagpapabakuna.

Sa tala, 53 porsiyento ng mga sumagot ang gustong magpabakuna laban sa coronavirus disease, 34 porsiyento na higit na mataas sa survey na isinagawa noong Enero.

Bumaba naman sa 30 porsiyento ang ayaw pa rin mabakunahan.

Nasa hanay ng mga nasa socio-economic class D ang may pinakamalaking porsiyento na nais magpabakuna.