Libreng swab test ibinenta, hospital employee tiklo

BAGSAK sa kulungan ang empleyado ng Child’s Hope Hospital sa Pasig makaraan umano nitong ibenta ang swab test na ibinibigay nang libre sa siyudad.


Kinilala ang suspek na si RV Tobago, 23, molecular encoder ng ospital. Nahaharap siya sa mga kasong robbery-extortion at paglabag sa Anti-Red Tape Act of 2007.


Nasakote sa entrapment operation si Tobago, na ibinenta sa halagang P900 hanggang P3,900 ang “libreng” swab test sa mga hindi residente ng Pasig, ayon sa pulisya.


Pinaghahanap pa ang kanyang kakunstaba na isang Aljohn Santos.