Inday Sara nakarekober sa Covid

MABUTI na ang pakiramdam ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nagpositibo sa Covid-19 noong isang linggo.


Ito ang inanunsyo ni Dr. Michelle Schlosser, tagapagsalita ni Davao City Covid-19 Task Force, ngayong araw.


Ani Schlosser, nag-improve na ang kondisyon ng alkalde na nakaranas ng mild symptoms.


Wala rin aniyang nagpositibo sa nasabing sakit sa mga close contacts ni Duterte-Carpio, dagdag ni Schlosser.


Sa kasalukuyan ay naka-isolate pa rin ang alkalde.


Bakunado na si Duterte-Carpio ng vaccine mula Sinopharm.


Samantala, nagpasalamat ang mayor sa mga tagasuporta na ipinagdarasal ang kanyang paggaling.


“Kahit ako po ay nasa quarantine, nababasa ko lahat ng inyong mga messages at dasal para sa mabilis kong paggaling. Ang mga mensaheng ito ay nagpapalakas sa akin, hindi lang sa katawan kundi pati na ng loob, lalo pa at hindi madali ang mawalay sa pamilya dahil sa quarantine,” post niya sa Facebook.


“Napakagandang inspirasyon ang inyong pagmamahal. Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Huwag nating kalimutan ang pagmamahal sa ating Pilipinas,” dagdag niya.