Duque: NCR handa nang bumalik sa Alert Level 2

HANDA na ang Kamaynilaan sakaling magdesisyon ang gobyerno na ilagay na ito sa COVID-19 Alert Level Status 2, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Anya, patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nitong mga nakalipas na araw bukod pa sa pataas nang pataas naman ang vaccination coverage.

“Oo, handa naman ang Metro Manila,” paniniyak ni Duque sa Laging Handa briefing nitong Lunes.

“Maganda ang ating vaccination coverage. So, maganda ang tiwala o ang confidence na maaayos natin ‘yung pagsunod sa minimum public health standards,” Duque added.