DILG: Tukuyin mga bakunado

INATASAN ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga mayor at kapitan ng barangay na tukuyin ang mga bakunado sa kani-kanilang mga nasasakupan.

“Naglabas ang Kagawaran ng direktiba para sa mga mayor at punong barangay na tukuyin pa kung sino-sino ang mga bakunado sa kanilang kababayan at kabarangay, at nang ma-monitor ang mga hindi pa bakunado at maabisuhan na rin silang manatili sa kanilang mga tahanan,” sabi ni Año sa kanyang ulat sa Talk to the People ni Pangulong Duterte.

Idinagdag ni Año na inatasan na rin ang lahat ng mga LGUs na maglabas ng ordinansa para maging gabay sa pagpapatupad ng direktiba ni Duterte.

“Pinakikilos din ng memo circular ang Philippine National Police upang kanilang tulungan ang lokal na pamahalaan sa adhikaing ito,” ayon pa kay Año