Babala ni Duque kay Acosta: Deadly komplikasyon ng COVID

NAGBABALA si Health Secretary Francisco Duque III kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta na nakamamatay ang komplikasyon ng coronavirus disease (COVID-19).

“Delikado siya dahil kapag tinamaan siya, senior citizen na din siya, kapag siya ay tinamaan at nagkaroon ng malubhang komplikasyon, pwedeng ikamatay nya pa ‘yan,” sabi ni Duque bilang reaksyon sa hindi pagpapabakuna ni Acosta laban sa COVID-19.

Sinuportahan din ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje ang naging pahayag Duque sa pagsasabing delikado para sa mga kapwa empleyado ang mga hindi pa bakunado.

“Kagaya na rin ng direktiba ng ating Presidente, sana sumunod lahat ang ating government officials sa pagbabakuna, because they do not only put themselves at risk pati iyong mga bakunado…kasi baka mahawa din sila at maging dahilan ng paglaganap ng COVID-19 sa work place,” aniya.