2nd booster shot pwede na sa senior citizen, healthcare workers

INAPRUBAHAN ng Department of Health (DoH) na maaari nang tumanggap ng second booster shot ang mga senior citizen simula ngayong Miyerkules, Mayo 18, matapos ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC).

Nauna nang pinayagan ng DoH na makatanggap ng ika-apat na bakuna o ikalawang booster shot ang mga immunocompromised na indibiwal.

Ito’y sa harap naman ng banta ng mas nakahahawang Omicron subvariant.