16 bagong Delta variant cases na-detect sa bansa

LABING-ANIM na bagong kaso ng delta variant ang natunton ngayon, base sa pinakabagong genome sequenting report na ginawa ng Department of Health.

Lima sa 16 na bagong kaso ay pawang mga returning overseas Filipinos. Isa rito ay galing ng United Kingdom habang ang dalawa ay galing sa Qatar. Patuloy namang inaalam pa ng DOH ang quarantine status ng dalawang iba pa.

Ang 11 ay local cases, anim dito ay natunton sa Region 10 at kabilang sa sinasabing bahagi ng large cluster of cases, na naitala sa pagitan noong Hunyo 23 hanggang 28. Nakarekober naman ang lahat ng mga ito.

Tatlong kaso nasa National Capital Region at dalawa mula sa Region 6, na pawang kabilang na rin sa mga nakarekober.