Si ‘Sharon’ at ang bonggang handaan ni Imee

KAILANGANG alamin ni Senator Imee Marcos kung sino si ‘Sharon’ sa kanyang opisina at pagsabihang itigil na ang ginagawang pagbabalot ng mga pagkaing nakahain sa tuwing merong bonggang handaan.

Hindi naman kalakihan at napakapayat pa nga ng pangangatawan pero marami ang nagtataka kung bakit astang PG at parang mauubusan ng pagkain, at laging mala ‘Sharon’ kapag may handaan o selebrasyon si Imee.

Sana man lang kung ang binabalot nitong si ‘Sharon’ ay ipinamimigay sa mga mahihirap, pero hindi dahil sa iniuuwi umano sa kanilang bahay para masigurong ang pagkaing matatangay ay kanyang malalapang.

Marami kayang alagang bulate sa tiyan ang mahaderang ito?

Sa bahay ni Imee sa P. Guevarra, San Juan MM, kung saan madalas na gawin ang mga meeting at handaan, makailang beses na bang nakikita si ‘Sharon’ na inuutusan ang driver nito para ipasok sa kanyang kotse ang mga pagkaing binalot.

Dapat kausapin at pagsabihan ni Imee ang tinutukoy na si ‘Sharon’ dahil sa kahihiyan na ito at repleksiyon na rin sa kung papaano dinidisiplina ng senadora ang kanyang mga staff.

Marami nang naiinis kay ‘Sharon’ hindi lang dahil sa ginagawang pagbabalot kapag may handaan sa bahay ni Imee kundi pati ang ‘power tripping’ nito kaya marami na ring mga staff ang lumayas.

Kaya nga kung titingnan mabuti, sino ba talaga ang may kasalanan kung bakit magulo at  marami ang umaalis na empleyado sa opisina ng senadora?  Ito ba ay dahil kay Imee o dahil kay ‘Sharon’?

Hay naku, pasok na nga Ate Shawie… Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal/ Hayaang matakpan ang kinang na ‘di magtatagal/ Mabuti pa kaya’y maging bituing walang ningning/ Kung kapalit nito’y walang paglaho mong pagtingin…”

“Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal/ Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay/ Sa piling mo ngayon ako’y bituing walang ningning/ Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig…”

O, sabay-sabay, Alien… Alien!!!