Mr. Legislator mahilig nga ba talaga sa reporter?

TAMPULAN ng tukso sa isang press office ang love affair ng isang reporter at isang sikat na mambabatas.

Sinabi ng aking spotter na taga-Novaliches, na bukod sa gadgets, condo unit ay ipinasyal pa ni Mr. Legislator ang kanyang bagong apple of the eye sa Europe.

Pero bago pa tumaas ang kilay n’yo ay sasabihin ko na na lalaki rin ang bagong jowa ni Mr. Legislator.

Kilalang tirador ng mga poging reporter ang baklitang mambabatas na mukhang sanggano.

Pero sa kabila ng kanyang itsura ay hindi siya tinanggihan ng mga nakarelasyong reporter.

Alam n’yo na ang dahilan syempre. Mahal na dahilan ayon sa aking spotter.

Bukod sa bigay-luho ay may cash allowance rin mula sa mambabatas ang kanyang mga naging lover.

Kaya naman hindi katakataka na patulan siya ng machong reporter lalo’t kilala ang pinanggagalingan nitong network na makunat pa sa tikoy kung magpasweldo sa kanilang mga empleyado.

Ang may-ari lang ng network ang yumayaman ayon sa aking spotter na kilalang mahilig sa bola at laging nakatingala sa langit.

Ang reporter na napilitang pumatol kay Cong dala ng matinding pangangailangan ay mula sa isang network na kilala lalo na sa Mindanao.

Ang mambabatas naman ay hindi na nangangailangan pa ng clue dahil siya lang naman notorious na mangingibig mula sa isang lalawigan na madalas tamaan ng kalamidad.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]