Cabinet official sipag-sipagan sa trabaho dahil sa seksing assistant?

IWAN muna natin ang mainit na usapin sa pulitika dahil sa totoo lang ilang magkakaibigan na ang nag-away dahil sa topic na yan.

May tsika ako sa inyo tungkol sa isang senior citizen na government official na ngayon ay laman ng kwentuhan sa kanilang opisina.

Si Sir kung inyong makikita sa TV ay halos di makabasag-pinggan dahil sa malumanay niyang pagsasalita.

Pero meron pala siyang secret weapon kung bakit sa kabila ng kanyang edad ay napakasipag nitong mag-ikot sa ilang bahagi ng bansa.

Noong una ay inakala ng kanyang mga katrabaho na talagang workaholic lang si Sir pero nang mabisto ang kanyang secret ay nag-iba ang tingin nila sa Cabinet official na bida sa ating kwento ngayong araw.

Sa mga byahe ni Sir ay madalas niyang kasama ang isang maganda at seksing-seksing consultant.

Nag-usisa ang aking spotter at nalaman niyang dati palang co-host sa isang TV show ang nasabing consultant.

Minsan ring na-link sa main host ng programa ang nasabing dilag kaya ito umalis sa show.

Walang makapagsabi kung paano ito napunta sa kagawaran ni Sir basta’t ang alam ng aking spotter ay madalas itong kasama sa mga local pati na sa foreign trips.

Nakakainggit daw ang kanilang sweetness ayon pa sa aking spotter.

Ang sabi ko naman hayaan na natin sila tutal ay buhay naman nila iyun basta’t ang importante ay hindi napapabayaan ni Mr. Government Official ang kanyang trabaho.

Teka nga pala, bakit sobrang mahal ngayon ng mga gulay, isda at karne sa mga pamilihan? Kapos ba tayo sa supply Sir?

Wala nang clue syempre. Yun na yun eh.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]