3 bata nalunod sa Davao City

TATLONG batang lalaki, na may mga edad na 4, 6 at 7, ang pinaniniwalaang nalunod sa dagat na sakop ng Brgy. Sentro, Agdao, Davao City nitong Sabado ng gabi.

Ilang oras na umanong pinaghahanap ang mga bata ng kani-kanilang mga magulang nang matagpuan ng kapatid ng isa sa mga biktima ang tsinelas ng mga paslit sa tabing-dagat.

Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang Coast Guard.

Gabi na nang isa-isang matagpuan ang katawan ng mga bata.

Isasailim sa autopsy ang mga katawan upang madetermina kung may foul play o wala ang pagkamatay ng mga ito.