Sunog sa UP residential area kumitil ng 8

NASAWI ang walo katao habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos sumiklab ang apoy sa isang residential area sa University of the Philippines (UP) – Diliman sa Quezon City Lunes ng madaling araw.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit sa 80 kabahayan ang tinupok ng apoy sa Village A. Tinatayang 250 pamilya ang nawalan ng kanilang matitirahan.

Nagsimula ang sunog alas-5:20 at nakontrol lamang ang apoy alas-6:35 ng umaga. Idineklara ang fire out alas-7.

Aabot naman sa P150,000 ang halaga ng ari-arian ang naabo.