Pulis nagsarili sa harap ng bagets, timbog

HIMAS-REHAS ang pulis na nagsarili sa harap ng babaeng teenager sa loob ng restaurant sa Manila.


Nahaharap ang suspek, na ikinulong sa Manila Police District headquarters, sa kasong unjust vexation.


Sa kanyang reklamo, sinabi ng Grade 12 na biktima na hinhintay niya ang inorder na pagkain nang tumabi ang pulis.


Hindi niya pinansin ang suspek, pero nagulat siya ng buksan nito ang zipper ng pantalon at ilabas ang ari.


Bago pa naka-react ang biktima ay nilaro ng suspek ang ari.


Hindi na nakapagpigil, tumayo ang babae at sinigawan ang suspek.


Naispatan naman ng mga pulis sa lugar ang pangyayari kaya agad nilang dinakip ang manyak nilang kabaro.


Sa presinto, napag-alaman na isang pulis mula sa Cagayan Valley ang suspek.