Kelot nagnakaw ng motor, naaksidente

SUGATAN ang 25-anyos na lalaki makaraang maaksidente habang minamaneho ang motorsiklo na ninakaw kamakailan sa Nueva Ecija.


Hindi kinilala ng pulisya ang suspek na nakuhanan din ng di-rehistradong baril, mga bala at granada.


Ayon sa ulat, nadiskubre na nakaw ang motorsiklo ng suspek nang busisiin ang mga dokumento habang iniimbestigahan ang aksidente.


Nang kontakin ng mga imbestigador, sinabi ng totoong may-ari ng motorsiklo na tinutukan siya ng suspek ng baril kaya wala siyang nagawa kundi ibigay ito.


Sinabi ng pulisya na mayroon pang ibang kaso ng carnaping at rape ang suspek.