Male singer idinawit sa Moira-Jason split-up

KUNG paniniwalaan ang isang viral na social media post, hindi dapat ibunton ang lahat ng sisi kay Jason Hernandez sa hiwalayan nila ni Moira dela Torre.

Base sa viral post, hindi lamang ang pagiging unfaithful ni Jason ang ugat ng split-up nila ng singer-songwriter.

Todo-tanggi rin ang nasa likod ng viral post na bading si Jason.

“Walang ibang lover si Jason, babae man o lalaki. Hindi bading si Jason. Hindi rin siya nagka-affair. Pero ang mali niya is pumunta siya sa mga spakol for sex. Yan yung unfaithfulness na sinabi niya,” ayon sa post.

“This is because wala silang sex ni Moira dahil daw sa depression ni girl. Na-guilty si Jason
kay nag-confess siya sa asawa niya, but it backfired,” dagdag pa rito.

Idinawit din ng anonymous netizen ang pangalan ng singer na si Zack Tabudlo na diumano ay naging close friend ni Moira.

“When Jason was in Dubai, his wife spent time with Zack Tabudlo the singer and I guess nag-click sila,” dagdag nito.

Inungkat din niya ang Instagram post ni Moira kasama si Zack na may caption na “feels like a like [I’ve] known you a lifetime, when I only met you last night. ily @zack.tabudlo”.

Nagtataka naman ang netizen kung bakit wala pang inilalabas na statement si Moira.
“Para bang hinayaan lang niya si Jason to be slaughtered by the public and she is enjoying all the positive attention,” ayon dito.