Presyo ng langis muling tataas

MULING magpapatupad ng malakihang oil price hike ang mga kompanya ng langis sa Martes, Hunyo 14, 2022.

Tataas ng mula P4.20 hanggang P4.50 ang kada litro ang diesel.

Samantala, inaasahan naman na aabot mula P1.40 hanggang P1.70 kada litro ang presyo ng gasolina.

Nauna nang nagbabala ang mga eksperto na sunod-sunod na ang mararamdamang pag-akyat ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa bunsod ng patuloy na gera sa pagitan ng Russia at Ukriane at muling pagbubukas ng ekonomiya ng China matapos ang lockdown dito dahil sa COVID-19.