Libreng sakay sa Edsa bus carousel hanggang Dis. 31 na lang; hindi na palalawigin

SINABI ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi na palalawigin ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel na nakatakdang magtapos sa Disyembre 31, 2022.

Idinagdag ni Bautista na magpapatupad ng 24/7 na libreng sakay sa bus carousel simula Disyembre 15 hanggang Disyembre 31, 2022.

Inamin ni Bautista na hindi na kakayanin ng pamahalaan ang paglalaan ng pondo para sa libreng sakay.

Nauna nang itinigil ng pamahalaan ang libreng sakay para sa mga estudyante na sumasakay ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3), Light Rail Transit 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR).

Nagtapos ang libreng sakay sa mga tren ng pamahalaan noong Nobyembre 4, 2022 matapos itong simulant noong Agosto 22, 2022.