10 opisyal ng Bacolod na nag-Japan, umuwi ng PH na Covid-positive

POSITIBO sa Covid-19 si Bacolod Rep. Greg Gasataya at siyam na iba pa, kabilang ang ilang konsehal, na kasama ni Bacolod Mayor Alfredo Abelardo Benitez sa biyahe sa Japan noong isang linggo

Maging si Benitez ay nagpositibo sa nakahahawang sakit nang magpasuri pagdating ng Pilipinas nitong Lunes.

Agad namang nag-isolate ang kanilang grupo, ani Gasataya.

Inihayag ni Councilor Thaddy Sayson na mayroon siyang mild na sintomas.

“I had no fever, just a sore throat,” aniya sabay sabi na naka-mask siya habang nasa Japan.

Negatibo si Caesar Distrito pero positibo ang ina na si Councilor Simple Distrito.

“It goes to show that if you are vaccinated and also had booster shots, you are well protected,” aniya.