Go napamura kay John Amores: ‘Dapat bugbugin din ‘yan’

DAHIL sa pikon, napamura na lang si Senador Bong Go sa suspendidong basketball player ng Jose Rizal University na si John Amores.

Bukod po dito, nag-suggest din si Go na dapat bugbugin din ang player dahil sa inasal nito.

“Bilang isang basketball player at isang mamamayang Pilipino, ito po ang sagot ko: Dapat bugbugin din ‘yung John Amores na ‘yan. T*** i** na ‘yun,” sabi no Go, chairman ng Senate committee on sports na siya ring sponsor ng budget ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Lahat tayo rito, mga basketball fans tayo. Walang lugar sa basketball ang court violence,” dagdag pa niya.

Bilang sports panel chairperson, sinabi ni Go na itinataguyod nila ang pagiging sportsmanship.