Kelot nagulungan ng SUV, pisak

NASAWI ang isang nangangalakal ng basura nang masagasaan ng SUV sa Tondo, Maynila ngayong umaga.

Base sa kuha ng CCTV, umupo sa harap ng nakaparadang SUV ang biktima at inayos ang mga dala nitong kalakal.

Maya-maya pa ay biglang umabante ang SUV kaya nagulungan ang biktima.

Bumaba ang driver, pero imbes na dalhin ang biktima sa ospital ay pumara ito ng tricycle at inutusan ang driver na isugod ang lalaki sa pagamutan.

Humarurot palayo ang SUV habang dinadala ng tricycle driver ang biktima sa ospital.

Pero bago pa nakarating ng pagamutan ay nagdesisyon ang tricycle driver na ibalik ang biktima sa Yuseco st. sa takot na mapagbintangan na siya ang nakasagasa rito.

Doon na nakita ng pamangkin ang walang buhay na katawan ng tiyo.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakalinlan sa driver ng SUV.