‘Meron naman pala ipen si Leon’

ITO ang biro ng mga fans kay Leon Barretto makaraan niyang i-share sa publiko ang mga larawan na nakatawa siya nang labas ang ngipin.

Sa Instagram, nag-shoutout si Leon sa mommy niyang si Marjorie habang pinasasalamatan ang mga bumati sa kanyang kaarawan kamakailan.

Ani Leon: “Before i post my 21st birthday and give thanks to everyone involved to make this special night happen, shoutout to my mom. cannot live this world without you, thank you for everything mom, this night meant so much to me 🤍.”

Kalakip nito ang dalawang snaps nilang magnanay.

Naaliw naman ang fans sa larawan ni Leon na nakatawa. Anila, kadalasan ay puro “smizing” lang ang ganap nito sa mga photos.

“Sa mga nag hahahap ng ipin ni leon, andyan na po.”

“Oo nga meron naman pala ipen.”

“Gwapo naman ni leon pag nagsmile with teeth.”