Kelot na naglayas, kinatay sa sementeryo

PATAY na nang matagpuan sa sementeryo sa sa San Mateo, Rizal ang 22-anyos na lalaki na tatlong linggo nang hindi umuuwi ng kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang katawan ni Jayson Honorio, isang construction worker, alas-sais ng umaga ngayong Linggo sa isang museleo sa Himlayang Katoliko Cemetery sa Brgy. Sta. Ana.

Nagtamo ng mga saksak sa katawan ang biktima, ayon sa San Mateo Police.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

Ayon sa ama ni Honorio, tatlong linggo nang hindi umuuwi ng bahay ang anak makaraang mapagalitan dahil sa pakikipagbarkada.

Idinagdag ng mga kapatid na kalalaya lang nito makaraang makulong dahil sa paglabag sa curfew.