Nadine sa netizens: Huwag n’yo kong diktahan

NIRESBAKAN ni Nadine Lustre ang mga netizens na dinidiktahan siya at kanyang mga kaibigan sa kung anong dapat niyang gawin sa kanyang buhay.

Sa Twitter nitong Biyernes ay naglabas ng saloobin ang aktres sa mga nakikialam sa kanyang mgq desisyon.

“[People] be commenting instructions and tagging my friends or boyfie on my IG. Stop telling them to tell me what to do. Im not 10,” tweet niya.

Nag-tweet si Nadine makaraang ulanin ng komento ang mga post niya sa Instagram kung saan ibinahagi niya ang kanyang beach body sa bakasyon sa France.

Kasama niya sa bakasyon ang kanyang French-Pinoy boyfriend na si Christophe Bariou.