GOOD NEWS: QC employees may P10K bonus

INIHAYAG ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na tatanggap ng tig-P10,000 bonus ang mga empleyado ng Quezon City Hall bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa malaking kita ng lungsod. 

“Ang bonus na ito ay pagkilala ng ating pamahalaang lungsod at ng ating Quezon City Council, sa pamumuno ni presiding officer at Vice Mayor Gian Sotto, sa sipag ng ating mga tauhan na nakatulong para makuha natin ang mga karangalan mula sa Commission on Audit (COA),” sabi ni Belmonte.

Idinagdag ni Belmonte na kasama sa makatatanggap ang lahat ng manggagawa, kasama ang mga may hawak at contracts of service, job orders at consultancy contract. 

“Malaking tulong ang halagang ito sa ating mga empleyado bilang pandagdag gastos sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya, lalo ngayong tumataas ang halaga ng ilang pangunahing bilihin,” aniya.