DepED nabahala matapos ang pananaksak ng 15-year-old sa 13-year old sa loob ng school

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang Department of Education (DepEd) sa nangyaring pananaksak sa loob ng Culiat High School sa Quezon City kung saan namatay ang isang ang Grade 7 na estudyante matapos na saksakin ng kapwa mag-aaral dahil umano sa selos.

“We are deeply saddened and disturbed that violent incident such as this happened among out students inside the school which is supposed to be a safe place,” sabi ng DepEd.

Base sa ulat, pasado alas-5:45 ng umaga nang mangyari ang pananaksak ng suspek na isang 15-anyos na estudyante.

Tiniyak ng DepEd ang tulong sa pamilya ng biktima.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek samantalang isinasailalim sa debriefing ang mga mag-aaral na nakasakdi sa krimen.