Ama nagnakaw ng chocolate para sa anak na kritikal, kulong

HIMAS-REHAS ang lalaki na nang-umit umano ng ilang piraso ng tsokolate sa isang grocery kamakailan.

Ayon sa pulisya, naispatan ng sekyu ang suspek na isinisilid ang mga Toblerone chocolates sa kanyang bag kaya sinundan ito bago lumabas ng establisimento.

Nang buksan ang bag ng suspek ay natagpuan ang mga chocolate kaya idiniretso ito sa presinto.

Inamin ng suspek ang krimen pero sinabi niya na sinunod lamang niya ang kahilingan ng anak na mayroong malubhang karamdaman.

May sakit po ang anak ko at gusto lang niya makatikim ng chocolate bago siya pumanaw. Wala naman ako pera kaya nagawa ko iyon,” ayon sa ama.

Sinampahan ng reklamong theft ang suspek.