Veteran showbiz reporter Mario Dumaual pumanaw

SUMAKABILANG-buhayngayong araw ng Miyerkules ang respetadong showbiz reporter na si Mario Dumaual. Siya ay 64.

Kinumpirma ng ABS-CBN ang pagpanaw ng kanilang reporter.

“Pumanaw na ang batikang entertainment reporter ng ABS-CBN News na si Mario Dumaual, ayon sa kaniyang pamilya.

“Paalam at maraming salamat, Kapamilya,” pahayag ng ahensiya.

Namayapa si Dumaual bunsod ng mga komplikasyon mula atake sa puso niya mahigit isang buwan na ang nakararaan.

Dalawa sa mga unang nakiramay sa pamilya ng reporter sina “It’s Showtime” host na si Jugs Jugueta at singer Jed Madela.

“Rest in Peace, Sir Mario Dumawal. You were always kind to me. Pahinga na po,” sabi ni Jugs.

“Rest in peace, Sir Mario Dumaual. You we’re always present in all my career milestones. Rest now,” ayon naman kay Jed.