Quiboloy ban na rin sa TikTok

HINDI lang sa YouTube ban ang religious leader na si Apollo Quiboloy na Kingdom of Jesus Christ church at media network SMNI, kundi maging sa social media na TikTok.

Kinumpirma ng TikTok Philippines nitong Miyerkules na ban na rin ang account ni Quiboloy sa nasabing social media na Tiktok.com/@pastor_acq.

Ito ay bunsod sa isinagawang sanction ng Estados Unidos laban Kingdom of Jesus Christ church at media network SMNI founder.

Noong Hunyo 21, tinanggal din ng Google and YouTube channel ng pastor “in compliance with applicable US sanction laws.”