True nga bang ikakasal na si Erich Gonzales sa non-showbiz BF

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang planong pagpapakasal ng aktres na si Erich Gonzales sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Rafael Lorenzo.

Ito ang mainit na balita matapos kumalat sa social media ang larawan ng aktres at ng kanyang BF tungkol sa nakatakda nilang pagpapakasal sa March 23, 2022 sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa.

Pinagkakaguluhan ngayon ang kopya ng kanilang marriage banns na nagdedetalye ng kanilang pangalan, edad, mga magulang, at address. Tugma naman ang mga impormasyong tumutukoy kay Erich.

Ang marriage banns ay ang anunsyo ng isang simbahan na ipinaaalam sa publiko ang nalalapit na kasal ng dalawang tao.