Trabahador pisak sa kinukumpuning truck

DEAD on the spot ang heavy equipment operator habang sugatan ang katrabaho nang maipit ng kinukumpini nilang truck sa Catanauan, Quezon.


Iniulat ng pulisya na napuruhan ang ulo ng biktima nang madaganan ito ng sasakyan. Nagtamo naman ng sugat sa katawan ang kasamahan nitong welder, 61.


Base sa inisyal na pagsisiyasat, nasa ilalim ng truck ang mga biktima at inaayos ang dump box nang biglang bumagsak ang sasakyan.


Napag-alaman na sumabog ang hydraulic hose ng mechanical arm ng backhoe, na ginamit para iangat ang truck, na naging dahilan para bumigay ang nire-repair na sasakyan.


Dinakip ng pulisya ang kasamahan ng mga biktima na nag-operate ng backhoe habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.